- Ang Pananampalataya na ang Paraiso at ang Impiyerno ay Umiiral Ngayon.
- Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa nakalingid at sa bawat inihatid tungkol kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
- Ang kahalagahan ng pagtitiis sa mga pahirap dahil ang mga ito ay ang landas na nagpaparating sa Paraiso.
- Ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal dahil ang mga ito ay ang landas na nagpaparating sa Impiyerno.
- Ang paggawa sa Paraiso na binabalot ng mga pahirap at sa Impiyerno na binabalot ng mga ninanasa. Ito ang hinihiling ng pagsubok at pagsusulit sa buhay sa Mundo.
- Ang daan ng Paraiso ay mahirap at nagpapahirap at nangangailangan ng pagtitiis at pagpapakasakit kasama ng pananampalataya. Ang daan ng Impiyerno ay pinuno ng minamasarap at mga ninanasa sa Mundo.