- Ang pagkapangkalahatan ng mensahe ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa buong Daigdig, ang pagkakinakailangan ng pagsunod sa kanya, at ang pagpapawalang-bisa sa lahat ng mga batas dahil sa batas niya.
- Ang sinumang tumangging sumampalataya sa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), hindi magpapakinabang dito ang pag-aangkin nito ng pananampalataya nito sa iba pa sa kanya kabilang sa mga propeta (ang mga basbas ni Allāh ay sumakanila sa kalahatan).
- Ang sinumang hindi nakarinig hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi umabot sa kanya ang paanyaya ng Islām, siya ay mapagpapaumanhinan. Ang nauukol sa kanya sa Kabilang-buhay ay nasa kay Allāh (napakataas Siya).
- Naisasakatotohanan ang pakikinabang [sa pagyakap] sa Islām, kahit pa sa kaunting sandali bago ng kamatayan at kahit pa man sa sandali ng matinding karamdaman, hanggat hindi umaabot ang kaluluwa sa lalamunan.
- Ang paniniwala sa katumpakan ng relihiyon ng mga tagatangging sumampalataya – kabilang sa kanila ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano – ay kawalang-pananampalataya.
- Ang pagbanggit sa Hudyo at Kristiyano sa ḥadīth ay bilang pagtawag-pansin sa sinumang iba pa sa dalawang ito. Iyon ay dahil ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay may kasulatan. Kaya naman kung ito ang pumapatungkol sa kanila, ang iba pa sa kanila kabilang sa sinumang walang kasulatan ay higit na marapat. Ang lahat sa kanila ay kinakailangang pumasok sa Relihiyon ng Propeta at tumalima sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).