- Ang pagtalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bahagi ng pagtalima kay Allāh at ang pagsuway sa kanya ay bahagi ng pagsuway kay Allāh.
- Ang pagtalima sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-oobliga ng Paraiso at ang pagsuway sa kanya ay nag-oobliga ng Impiyerno.
- May nakagagalak na balita para sa mga tagatalima kabilang sa Kalipunang ito [ng Islām] at na sila sa kalahatan nila ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang sumuway kay Allāh at sa Sugo Niya.
- Ang pagkahabag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang sigasig niya sa kapatnubayan nila.