- Ang pagpigil laban sa paggawa sa mga libingan ng mga propeta at mga maayos na tao bilang mga sambahang pinagdarasalan para kay Allāh dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk.
- Ang katindihan ng pagpapahalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagmamalasakit niya sa Tawḥīd at ng pangamba niya sa pagdakila sa mga libingan dahil iyon ay humahantong sa Shirk.
- Ang pagpayag sa pagsumpa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at sinumang gumawa ng tulad ng gawain nila na pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan at paggawa sa mga ito bilang mga sambahan.
- Ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kalakaran ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Nasaad sa ḥadīth ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa kanila.
- Bahagi ng paggawa sa mga libingan bilang mga sambahan ang pagdarasal sa tabi ng mga ito at paharap sa mga ito, kahit pa man hindi pinatayuan ng isang sambahan.