- Ang pagbibigay-babala laban sa paglampas sa legal na hangganan sa pagdakila at pagbubunyi dahil iyon ay nauuwi sa Shirk.
- Ang ibinigay-babala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naganap nga sa Kalipunang ito sapagkat may nagpakasidhing isang pangkatin sa pagpuri sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), isang pangkatin kaugnay sa Sambahayan ng Sugo, at isang pangkatin kaugnay sa mga walīy kaya nasadlak sila sa Shirk.
- Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay isang alipin ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang aliping namamanginoon kay Allāh, na hindi pinapayagan na magbaling sa kanya ng anuman sa mga kakanyahan ng Panginoon.
- Naglarawan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sarili niya na siya ay Sugo ni Allāh upang maglinaw siya na siya ay isang sugong isinugo mula sa ganang kay Allāh, kaya kinakailangan ang maniwala sa kanya at ang makisunod sa kanya.