- Ang paglampas sa legal na hangganan kaugnay sa mga libingan ng mga propeta at mga maayos na tao ay gumagawa sa mga ito na sinasamba bukod pa kay Allāh, kaya naman kinakailangan ang mag-ingat laban sa mga kaparaanan ng Shirk.
- Hindi pinapayagan ang pagsadya sa mga libingan para sa pagdakila sa mga ito at pagsamba sa tabi ng mga ito maging gaano man ang kalapitan ng nakalibing sa mga ito kay Allāh (napakataas Siya).
- Ang pagbabawal sa pagtatayo ng mga masjid sa mga libingan.
- Ang pagbabawal sa pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga libingan, kahit pa man hindi pinatayuan ng isang masjid, maliban sa ṣalāh sa janāzah na hindi naman idinadasal sa ibabaw ng mga ito.