- Ang pagsaway laban sa pagpapawalang-silbi sa mga bahay sa pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
- Ang pagpigil sa paglalakbay para sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) dahil siya ay nag-utos ng pagdalangin kay Allāh ng basbas sa kanya at nagpabatid siya na ito ay umaabot sa kanya. Inihahanda lamang ang paglalakbay para sa pagsasadya sa masjid at pagdarasal doon.
- Ang pagbabawal sa paggawa sa pagdalaw sa libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pistahan sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pagdalaw roon sa isang paraang itinalaga sa isang panahong itinalaga at gayon din sa pagdalaw sa bawat libingan.
- Ang karangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya ay dahil sa pagkaisinasabatas ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga para sa kanya sa bawat panahon at lugar.
- Ito ay yayamang ang pagsaway laban sa pagdarasal sa tabi ng mga libingan ay napagtibay na sa ganang mga Kasamahan. Dahil dito, sinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gawin ang mga bahay tulad ng mga libingan na hindi pinagdarasalan.