- Ang pagbabawal sa pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan o pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga ito o paglilibing ng mga patay sa mga masjid, bilang pagpinid sa pagsasadahilan ng Shirk.
- Ang pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan at ang paglalagay ng mga larawan sa mga ito ay gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Ang sinumang gumawa nito ay nakiwangis nga siya sa kanila.
- Ang pagbabawal sa paggawa ng mga larawan ng mga may kaluluwa.
- Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid sa isang libingan at nagsalarawan dito ng mga imahen, siya ay kabilang sa pinakamasama sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya).
- Ang pangangalaga ng Sharī`ah sa bakuran ng Tawḥīd nang buong pangangalaga sa pamamagitan ng pagpinid sa lahat ng mga kaparaanan na maaaring magpahantong sa Shirk.
- Ang pagsaway laban sa pagpapalabis sa mga maayos na tao dahil ito ay isang kadahilanan sa pagkasadlak sa Shirk.