- Ang pagbabawal ng pag-aalaga ng aso maliban ng aso ng pangangaso o hayupan o pananim.
- Ang pagtataglay ng mga larawan ay kabilang sa mga bagay na karima-rimarim na nilalayuan ng mga anghel. Ang pagkakaroon ng mga ito sa lugar ay nagiging isang kadahilanan ng pagkakait ng awa at tulad niyon ang aso.
- Ang mga anghel na hindi pumapasok sa isang bahay na may aso o larawan ay mga anghel ng awa. Hinggil naman sa tagaingat ng gawa at iba pa sa kanila kabilang sa mga may katungkulan gaya ng anghel ng kamatayan, pumapasok sila sa bawat bahay.
- Ang pagbabawal sa pagsasabit ng mga larawan ng mga may kaluluwa sa mga dingding at iba pa sa mga ito.
- Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Hindi lamang pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na may aso o larawan, na kabilang sa ipinagbabawal ariin gaya ng mga aso at mga larawan. Hinggil naman sa anumang hindi bawal gaya ng aso ng pangangaso, pananim, at hayupan, at larawan na nahahamak sa karpet, unan, at iba pa sa dalawang ito, hindi napipigil ang pagpasok ng mga anghel dahilan dito.