- Ang kahalagahan ng pagkapit sa Sunnah at pagsunod dito.
- Ang pagmamalasakit sa mga pangaral at ang pagpapalambot ng mga puso.
- Ang utos ng pagsunod sa Apat na Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya. Sila ay sina Abū Bakr, `Umar, `Uthmān, at `Alīy (malugod si Allāh sa kanila).
- Ang pagsaway laban sa paggawa ng bid`ah sa Relihiyon at na ang lahat ng mga bid`ah ay kaligawan.
- Ang pagdinig at ang pagtalima sa sinumang bumabalikat sa pamamahala sa mga mananampalataya sa isang hindi pagsuway.
- Ang kahalagahan ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lahat ng mga oras at mga kalagayan.
- Ang pagkakaiba-iba ay nagaganap sa Kalipunang ito. Sa sandali ng pangyayari nito, inoobliga ang pagbalik sa Sunnah ng Sugo ni Allāh at mga Matinong Khalīfah.