- Ang pagtalima sa mga nakatalaga sa mga pamamahala ay kinakailangan kapag hindi pagsuway kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
- Dito ay may isang matinding pagbibigay-babala laban sa sinumang naghimagsik laban sa pagtalima sa pinuno at nakipaghiwalay sa komunidad ng mga Muslim sapagkat kapag namatay siya sa kalagayang ito ay namatay siya ayon sa paraan ng mga kampon ng Kamangmangan.
- Nasa ḥadīth din ang pagsaway laban sa pakikipaglaban para sa bulag na pagkamakalahi.
- Ang pagkakinakailangan ng pagtupad sa mga kasunduan.
- Nasa pagtalima at pananatili sa komunidad ang maraming kabutihan, ang katiwasayan, ang kapanatagan, at ang kaayusan ng mga kalagayan.
- Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga kalagayan ng mga kampon ng Kamangmangan.
- Ang pag-uutos ng pananatili sa komunidad ng mga Muslim.