- Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas sa gawain ukol kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang pag-iingat laban sa pagpapakitang-tao.
- Ang tindi ng pagkalunos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya, sigasig niya sa kapatnubayan nila, at pagpapayo niya sa kanila.
- Kapag naging ito ang pangamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya ay kumakausap sa mga Kasamahan gayong sila ay ang mga pinuno ng mga maayos na tao, ang pangamba para sa matapos nila ay higit na matindi.