- Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga sementeryo o sa pagitan ng mga ito o paharap sa mga ito, maliban sa ṣalāh ng paglilibing, gaya ng napagtibay sa Sunnah.
- Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan bilang pagpinid sa maidadahilan ng Shirk.
- Sumaway ang Islām laban sa pagpapalabis-labis sa mga libingan at laban sa pagkahamak sa mga ito, kaya naman walang pagpapalabis at walang pagpapabaya.
- Ang pagkabawal ng paglabag sa Muslim ay nananatili matapos ng pagkamatay niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagbali ng buto ng patay ay gaya ng pagbali nito habang buhay pa."