Ang Koran

Share

{O mga sumampalataya, huwag kayong magwalang-galang sa mga sagisag ni Allāh ni sa Buwang Pinakababanal ni sa handog, ni sa mga nakakuwintas [na alay], ni sa mga nagsasadya sa Bahay na Pinakababanal na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon nila at isang pagkalugod. Kapag kumalas kayo [sa iḥrām ay maaaring] mangaso kayo. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao na sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] na lumabag kayo. Magtulungan kayo sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at pangangaway. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag) : 2).
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُحِلُّواْ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ وَلَا ٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَلَا ٱلۡهَدۡيَ وَلَا ٱلۡقَلَٰٓئِدَ وَلَآ ءَآمِّينَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّهِمۡ وَرِضۡوَٰنٗاۚ وَإِذَا حَلَلۡتُمۡ فَٱصۡطَادُواْۚ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ أَن صَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ أَن تَعۡتَدُواْۘ وَتَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَلَا تَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
{O mga sumampalataya, talagang magsusulit nga sa inyo si Allāh [habang nasa iḥrām] sa pamamagitan ng isang bagay gaya ng pinangangasong hayop, na nagtatamo nito ang mga kamay ninyo at ang mga sibat ninyo, upang maghayag si Allāh sa sinumang nangangamba sa Kanya nang nakalingid. Kaya ang sinumang lumabag matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag) : 94).
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَيَبۡلُوَنَّكُمُ ٱللَّهُ بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلصَّيۡدِ تَنَالُهُۥٓ أَيۡدِيكُمۡ وَرِمَاحُكُمۡ لِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ مَن يَخَافُهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ
{O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa iḥrām. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, na hahatol dito ang dalawang may katarungan kabilang sa inyo bilang handog na aabot sa Ka`bah;[26] o may isang panakip-sala na pagpapakain ng mga dukha o katumbas niyon na pag-aayuno upang makalasap siya ng kasaklapan ng nauukol sa kanila. Nagpaumanhin si Allāh sa anumang nagdaan. Ang sinumang nanumbalik ay maghihiganti si Allāh sa kanya. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag) : 95).
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡتُلُواْ ٱلصَّيۡدَ وَأَنتُمۡ حُرُمٞۚ وَمَن قَتَلَهُۥ مِنكُم مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآءٞ مِّثۡلُ مَا قَتَلَ مِنَ ٱلنَّعَمِ يَحۡكُمُ بِهِۦ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ هَدۡيَۢا بَٰلِغَ ٱلۡكَعۡبَةِ أَوۡ كَفَّٰرَةٞ طَعَامُ مَسَٰكِينَ أَوۡ عَدۡلُ ذَٰلِكَ صِيَامٗا لِّيَذُوقَ وَبَالَ أَمۡرِهِۦۗ عَفَا ٱللَّهُ عَمَّا سَلَفَۚ وَمَنۡ عَادَ فَيَنتَقِمُ ٱللَّهُ مِنۡهُۚ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
{Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan].} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag) : 96).
أُحِلَّ لَكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَحۡرِ وَطَعَامُهُۥ مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِلسَّيَّارَةِۖ وَحُرِّمَ عَلَيۡكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَرِّ مَا دُمۡتُمۡ حُرُمٗاۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
{Ginawa ni Allāh ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag) : 97).
۞ جَعَلَ ٱللَّهُ ٱلۡكَعۡبَةَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ قِيَٰمٗا لِّلنَّاسِ وَٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَٱلۡهَدۡيَ وَٱلۡقَلَٰٓئِدَۚ ذَٰلِكَ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
{Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Sūrah At-Tawbah (Ang Pagbabalik-loob) : 19).
۞ أَجَعَلۡتُمۡ سِقَايَةَ ٱلۡحَآجِّ وَعِمَارَةَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ كَمَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَجَٰهَدَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ لَا يَسۡتَوُۥنَ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
{Magpahayag ka sa mga tao [ng pagkatungkulin] ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 27).
وَأَذِّن فِي ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَجِّ يَأۡتُوكَ رِجَالٗا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٖ يَأۡتِينَ مِن كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٖ
{upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 28).
لِّيَشۡهَدُواْ مَنَٰفِعَ لَهُمۡ وَيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡلُومَٰتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۖ فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡبَآئِسَ ٱلۡفَقِيرَ
{Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila [na inobliga sa sarili], at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 29).
ثُمَّ لۡيَقۡضُواْ تَفَثَهُمۡ وَلۡيُوفُواْ نُذُورَهُمۡ وَلۡيَطَّوَّفُواْ بِٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ
{Ukol sa inyo sa mga [alay na] ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang oras ng [pagkatay sa] mga ito ay pagkalapit sa Bahay na Matanda.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 33).
لَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ
{Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito [matapos katayin] ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 36).
وَٱلۡبُدۡنَ جَعَلۡنَٰهَا لَكُم مِّن شَعَٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمۡ فِيهَا خَيۡرٞۖ فَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا صَوَآفَّۖ فَإِذَا وَجَبَتۡ جُنُوبُهَا فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡقَانِعَ وَٱلۡمُعۡتَرَّۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرۡنَٰهَا لَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
{Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.} (Sūrah Al-Ḥajj (Ang Ḥajj) : 37).
لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقۡوَىٰ مِنكُمۡۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمۡ لِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُحۡسِنِينَ