{Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay[33] o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 158).
۞ إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِۖ فَمَنۡ حَجَّ ٱلۡبَيۡتَ أَوِ ٱعۡتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِ أَن يَطَّوَّفَ بِهِمَاۚ وَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ
{Lubusin ninyo ang ḥajj at ang `umrah para kay Allāh ngunit kung nahadlangan kayo ay [mag-alay ng] anumang madaling nakamit na handog.[48] Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay naging maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno [ng tatlong araw] o isang kawanggawa [na pagpapakain sa anim na dukha] o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagpakatamasa ng `umrah [sa mga buwan ng ḥajj] hanggang sa ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag bumalik kayo; iyon ay ganap na sampung [araw]. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal.[49] Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 196).
وَأَتِمُّواْ ٱلۡحَجَّ وَٱلۡعُمۡرَةَ لِلَّهِۚ فَإِنۡ أُحۡصِرۡتُمۡ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۖ وَلَا تَحۡلِقُواْ رُءُوسَكُمۡ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡهَدۡيُ مَحِلَّهُۥۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ بِهِۦٓ أَذٗى مِّن رَّأۡسِهِۦ فَفِدۡيَةٞ مِّن صِيَامٍ أَوۡ صَدَقَةٍ أَوۡ نُسُكٖۚ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلۡعُمۡرَةِ إِلَى ٱلۡحَجِّ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۚ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖ فِي ٱلۡحَجِّ وَسَبۡعَةٍ إِذَا رَجَعۡتُمۡۗ تِلۡكَ عَشَرَةٞ كَامِلَةٞۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمۡ يَكُنۡ أَهۡلُهُۥ حَاضِرِي ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
{Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman.[50] Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh. Magbaon kayo, saka tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 197).
ٱلۡحَجُّ أَشۡهُرٞ مَّعۡلُومَٰتٞۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ ٱلۡحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي ٱلۡحَجِّۗ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَتَزَوَّدُواْ فَإِنَّ خَيۡرَ ٱلزَّادِ ٱلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُونِ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
{Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo.[51] Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt ay alalahanin ninyo si Allāh sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 198).
لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَبۡتَغُواْ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكُمۡۚ فَإِذَآ أَفَضۡتُم مِّنۡ عَرَفَٰتٖ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ عِندَ ٱلۡمَشۡعَرِ ٱلۡحَرَامِۖ وَٱذۡكُرُوهُ كَمَا هَدَىٰكُمۡ وَإِن كُنتُم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمِنَ ٱلضَّآلِّينَ
{Pagkatapos lumisan kayo saanman [sa `Arafah] lumisan ang mga tao at humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 199).
ثُمَّ أَفِيضُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَفَاضَ ٱلنَّاسُ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
{Kapag nakatapos kayo ng mga gawaing-pagsamba ninyo ay alalahanin ninyo si Allāh gaya ng pag-alaala ninyo sa mga ninuno ninyo o higit na matindi sa pag-alaala. Mayroon sa mga tao na nagsasabi: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo,” at walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay na anumang bahagi.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 200).
فَإِذَا قَضَيۡتُم مَّنَٰسِكَكُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَذِكۡرِكُمۡ ءَابَآءَكُمۡ أَوۡ أَشَدَّ ذِكۡرٗاۗ فَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَمَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقٖ
{Mayroon sa kanila na nagsasabi: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.”} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 201).
وَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ حَسَنَةٗ وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
{Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang bahagi mula sa kinamit nila. Si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 202).
أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّمَّا كَسَبُواْۚ وَٱللَّهُ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
{Alalahanin ninyo si Allāh sa mga araw na binilang,[52] ngunit ang sinumang nagmadali [sa paglisan sa Minā] sa dalawang araw[53] ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala[54] ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya kakalapin.} (Sūrah Al-Baqarah (Ang Baka)
: 203).
۞ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡدُودَٰتٖۚ فَمَن تَعَجَّلَ فِي يَوۡمَيۡنِ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِ وَمَن تَأَخَّرَ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۖ لِمَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
{Tunay na ang unang Bahay [sambahan] na itinalaga para sa mga tao ay talagang ang nasa Bakkah bilang pinagpala at patnubay para sa mga nilalang.} (Sūrah Āl `Imrān (Ang Mag-anak ni `Imrān)
: 96).
إِنَّ أَوَّلَ بَيۡتٖ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكٗا وَهُدٗى لِّلۡعَٰلَمِينَ
{Dito ay may mga tandang malinaw [gaya ng] Pinagtayuan ni Abraham. Ang sinumang pumasok dito ay magiging matiwasay. Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng ḥajj sa Bahay [na Pinakababanal]: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.} (Sūrah Āl `Imrān (Ang Mag-anak ni `Imrān)
: 97).
فِيهِ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ مَّقَامُ إِبۡرَٰهِيمَۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنٗاۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلۡبَيۡتِ مَنِ ٱسۡتَطَاعَ إِلَيۡهِ سَبِيلٗاۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
{O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. Ipinahintulot para sa inyo ang hayop ng mga hayupan maliban sa bibigkasin pa sa inyo [dito sa Qur’ān], habang hindi naman mga napahihintulutan ng pangangaso samantalang kayo ay mga nasa iḥrām.[1] Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya.} (Sūrah Al-Mā’idh (Ang Hapag)
: 1).
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَوۡفُواْ بِٱلۡعُقُودِۚ أُحِلَّتۡ لَكُم بَهِيمَةُ ٱلۡأَنۡعَٰمِ إِلَّا مَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ غَيۡرَ مُحِلِّي ٱلصَّيۡدِ وَأَنتُمۡ حُرُمٌۗ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ مَا يُرِيدُ