- Ang mga pagsamba ay nakabatay sa nasaad sa Qur'ān at Sunnah. Kaya naman hindi tayo sumasamba kay Allāh malibang sa pamamagitan ng isinabatas Niya, hindi sa pamamagitan ng mga bid`ah at mga pinauso.
- Ang Relihiyong Islām ay hindi sa pamamagitan ng opinyon at pagmamagaling. Ito lamang ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
- Ang ḥadīth na ito isang patunay sa kalubusan ng Relihiyong Islām.
- Ang bid`ah ay ang bawat pinauso kaugnay sa Relihiyon samantalang hindi ito umiral sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya, na anumang paniniwala o sinasabi o ginagawa.
- Ang ḥadīth na ito ay isang saligan kabilang sa mga saligan ng Islām. Ito ay gaya ng timbangan para sa mga gawa. Kaya kung paanong ang bawat gawain na hindi ninais dito ang kaluguran ng mukha ni Allāh (napakataas Siya), walang ukol sa tagagawa nito kaugnay roon na gantimpala. Kaya gayundin ang bawat gawa na hindi alinsunod sa inihatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ito ay tatanggihan sa tagagawa nito.
- Ang mga pinausong sinasaway ay ang anumang kabilang sa mga nauukol sa Relihiyon at hindi sa pangmundong buhay.