- Ang pagpapatibay sa Pamamagitan (Shafā`ah) para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kabilang-buhay at na ito ay hindi mangyayari kundi sa mga Monoteista.
- Ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pagsusumamo niya kay Allāh para sa sinumang naging karapat-dapat sa Impiyerno kabilang sa mga Monoteista, na hindi nawa ito pumasok doon; at para sa sinumang pumasok doon, na lumabas nawa ito mula roon.
- Ang kainaman ng Pangungusap ng Tawḥīd na wagas ukol kay Allāh at ang kadakilaan ng epekto nito.
- Ang pagsasakatotohanan ng Pangungusap ng Tawḥīd ay sa pamamagitan ng kaalaman sa kahulugan nito at paggawa ayon sa kahilingan nito.
- Ang kalamangan ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) at ang pagsisigasig niya sa kaalaman.