- Ang paghimok sa pagmamalasakit sa pagpapakatuto sa pagsasagawa ng wuḍū', mga sunnah nito, at mga etiketa nito; at ang paggawa ayon doon.
- Ang kainaman ng pagsasagawa ng wuḍū' at na ito ay panakip-sala sa mga pagkakasalang maliliit. Hinggil naman sa malalaking pagkakasala, hindi makaiiwas sa pagbabalik-loob.
- Ang kundisyon ng paglabas ng mga kasalanan ay ang paglubos sa pagsasagawa ng wuḍū' at ang pagsasagawa rito nang walang pagkasira gaya ng nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
- Ang pagtatakip-sala sa mga pagkakasala sa ḥadīth na ito ay nalilimitahan sa pag-iwas sa malalaking kasalanan at pagbabalik-loob mula sa mga ito. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 4:31): {Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo}