- Ang saligan ng Relihiyong Islām ay ang pananampalataya kay Allāh sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
- Ang kahalagahan ng pagpapakatuwid matapos ng pananampalataya at ang pagpapatuloy sa pagsamba at ang katatagan doon.
- Ang pananampalataya ay isang kundisyon para sa pagtanggap ng mga gawa.
- Ang pananampalataya kay Allāh ay sumasaklaw sa anumang kinakailangang paniwalaan na mga paniniwala ng pananampalataya at mga saligan nito at anumang sumusunod doon na mga gawain ng mga puso at pagpapaakay at pagsuko kay Allāh nang pakubli at palantad.
- Ang pagpapakatuwid ay ang pananatili sa daan sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pagwaksi ng mga sinasaway.