- Ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata at mga paslit ng mga nauukol sa Relihiyon, Tawḥīd, Etiketa, at iba pa roon.
- Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
- Ang pag-uutos ng pagsandal kay Allāh at pananalig sa Kanya bukod sa iba sa Kanya. Siya ay kay inam bilang Pinananaligan.
- Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagkalugod dito at na si Allāh ay nagtakda nga ng bawat bagay.
- Ang sinumang nagpabaya sa utos ni Allāh, tunay na si Allāh ay magpapabaya sa kanya at hindi mag-iingat sa kanya.