- Ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba at ang pagwaksi sa pagsamba sa anumang iba sa Kanya.
- Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pananampalataya sa kanya at sa anumang inihatid niya at ang pagpapatotoo sa kanya at na siya ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo ni Allāh sa Sangkatauhan.
- Ang pakikipag-usap sa maalam at sinumang may pagkakahawig dito ay hindi gaya ng pakikipag-usap sa mangmang. Dahil dito, tumawag-pansin siya kay Mu`ādh sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan."
- Ang kahalagahan ng pagiging ang Muslim ay nakabatay sa isang pagkatalos sa Relihiyon niya upang makapagpawala siya ng mga maling akala ng mga tagapag-akala. Iyon sa pamamagitan ng paghanap ng kaalaman.
- Ang kawalang-saysay ng relihiyon ng mga Hudyo at mga Kristiyano matapos ng pagkapadala sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na sila ay hindi kabilang sa mga may kaligtasan sa Araw ng Pagbangon hanggang sa pumasok sila sa Relihiyong Islām at sumampalataya sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).