Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanlur...
Ayon kay Abū Mūsa `Abdullāh bin Qays Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."
Nagsalaysay nito si Imām Muslim
Ang pagpapaliwanag
Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob kahit pa man nahuli. Kaya kapag nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay tatanggap sa pagbabalik-loob nito kahit pa man nagbalik-loob ito sa gabi; at gayon din kapag nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa gabi, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay tatanggap sa pagbabalik-loob nito kahit pa man nagbalik-loob ito sa maghapon, hanggat hindi sumisikat ang araw mula sa kanluran nito, na kabilang sa mga pinakamalaking tanda ng Huling Sandali.
Share
Use the QR code to easily share the message of Islam with others