- Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at na ang tao, gaano man ang ipinagkasala at gaano man ang ginawa, kapag nagbalik-loob siya at nagsisisi siya, ay tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa kanya.
- Ang manananampalataya kay Allāh ay umaasa ng paumanhin ng Panginoon niya at nangangamba sa kaparusahan Nito kaya nagdadali-dali siya sa pagbabalik-loob at hindi siya nagpapatuloy sa pagsuway.
- Ang mga kundisyon ng tumpak na pagbabalik-loob ay ang pagkalas sa pagkakasala, ang pagsisihan ito, at ang pagtitika sa hindi panunumbalik sa pagkakasala. Kapag ang pagbabalik-loob ay dahil sa mga paglabag sa katarungan sa mga tao kaugnay sa ari-arian o dangal o buhay, nadadagdagan ito ng ikaapat na kundisyon: ang pagsasauli sa may karapatan o ang pagbibigay rito ng karapatan nito.
- Ang kahalagahan ng kaalaman kay Allāh na gumagawa sa tao na nakaaalam sa mga nauukol sa Relihiyon niya kaya nagbabalik-loob siya sa tuwing nagkakamali siya kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa at hindi siya nagpapatuloy.