- Ang lawak ng awa ni Allāh (napakataas Siya), pagpapatawad Niya, at kabutihang-loob Niya.
- Ang kainaman ng Tawḥīd at na si Allāh ay nagpapatawad sa mga monoteista ng mga pagkakasala at mga pagsuway.
- Ang panganib ng Shirk at na si Allāh ay hindi nagpapatawad sa mga tagapagtambal.
- Nagsabi si Ibnu Rajab: Naglaman nga ang ḥadīth na ito ng tatlong kadahilanan na natatamo sa pamamagitan ng mga ito ang kapatawaran sa mga pagkakasala: Una: Ang pagdalangin kasama ng pag-asa; Ikalawa: Ang paghingi ng tawad at ang paghiling ng pagbabalik-loob; Ikatlo: Ang pagkamatay sa Tawḥīd.
- Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa isinasalaysay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya at tinatawag na banal o pandiyos na ḥadīth. Ito ay ang ḥadīth na ang pananalita nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh, gayon pa man wala rito ang mga kakanyahan ng Qur'ān na ikinabukod nito sa iba gaya ng pagpapakamananamba sa pagbigkas nito, pagsasagawa ng kadalisayan para rito, paghahamon nito, paghihimala, at iba pa rito.
- Ang pagkakasala ay tatlong uri. A. Ang pagtatambal kay Allāh. Ito ay hindi pinatatawad ni Allāh. Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso} (Qur'ān 5:72) B. Ang kawalang-katarungan ng tao sa sarili niya kaugnay sa pagitan niya at ng Panginoon niya na mga pagkakasala at mga pagsuway ngunit tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay makapagpapatawad niyon at makapagpapalampas kung niloob Niya. C. May mga pagkakasalang hindi mag-iiwan si Allāh mula sa mga ito ng anuman. Ang mga ito ay ang kawalang-katarungan ng mga tao sa isa't isa sa kanila kaya kailangan ng qiṣāṣ (ganting-pinsala).