- Ang pagbigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa kay Allāh ay isang kundisyon sa pagpasok sa Islām.
- Ang kahulugan ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) ay ang kawalang-pananampalataya sa bawat anumang sinasamba bukod pa kay Allāh gaya ng mga anito, mga libingan, at iba pa sa mga ito; at ang pagbubukod-tangi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pagsamba.
- Ang sinumang tumanggap sa Tawḥīd at sumunod sa mga batas nito nang lantaran, kinakailangan ang magpigil sa kanya hanggang sa luminaw mula sa kanya ang sumasalungat doon.
- Ang pagkabawal ng paglapastangan sa yaman ng Muslim, buhay niya, at dangal niya malibang ayon sa katwiran.
- Ang kahatulan sa Mundo ay batay sa nakahayag at sa Kabilang-buhay ay batay sa mga layunin at mga pakay.