- Ang pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapaangkas niya kay Mu`ādh sa likuran niya sakay ng sasakyang hayop niya.
- Ang pamamaraan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung saan inulit-ulit niya ang pagtawag kay Mu`ādh upang tumindi ang pagpansin nito sa sasabihin niya.
- Kabilang sa mga kundisyon ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh na ang nagsasabi nito ay maging tapat na nagpapakatiyak, na hindi nagsisinungaling o nagdududa.
- Ang mga alagad ng Tawḥīd ay hindi pamamalagiin sa apoy ng Impiyerno. Kung papasok sila sa Impiyerno dahilan sa mga pagkasala nila, palalabasin sila mula roon matapos na dumalisay sila.
- Ang kainaman ng Dalawang Pagsaksi para sa sinumang nagsabi nito nang tapat.
- Ang pagpayag sa pag-iwas sa pagsasanaysay ng isang ḥadīth sa ilan sa mga kalagayan kapag may magreresulta rito na isang kasiraan.