- Ang paglilinaw sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya), na nag-obliga Siya nito sa mga lingkod Niya. Ito ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman.
- Ang paglilinaw sa karapatan ng mga lingkod kay Allāh (napakataas Siya) na nag-obliga Siya nito sa sarili Niya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang biyaya. Ito ay na magpasok Siya sa kanila sa Paraiso at hindi magparusa sa kanila.
- Dito ay may isang dakilang nakagagalak na balita para sa mga Muwaḥḥid na hindi nagtatambal kay Allāh (napakataas Siya) ng anuman na ang kahahantungan nila ay ang pagpasok sa Paraiso.
- Nagsanaysay si Mu`ādh ng ḥadīth na ito bago ng kamatayan niya dala ng pangamba sa pagkasadlak sa kasalanan ng pagtatago ng kaalaman.
- Ang pagtawag-pansin sa hindi pagpapalaganap ng ilan sa mga ḥadīth sa ilan sa mga tao dala ng pangamba para sa sinumang hindi nakatalos sa kahulugan ng mga ito. Iyon ay kaugnay sa anumang sa ilalim nito ay walang gawain at dito ay walang takdang parusa kabilang sa mga takdang parusa sa Batas ng Islām.
- Ang mga tagasuway na mga Muwaḥḥid ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh: kung loloobin Niya ay magpaparusa Siya sa kanila at kung loloobin Niya ay magpapatawad Siya sa kanila, pagkatapos ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.