- Ang pagsasakaibig-ibig ng paglabas ng mga babae papunta sa ṣalāh ng pagdiriwang at pagbubukod-tangian ng pangaral.
- Ang kawalan ng pagkilala sa karapatan ng asawa at ang dami ng pagsumpa ay kabilang sa malalaking kasalanan dahil ang pagkakabanta sa pamamagitan ng Impiyerno ay isang palatandaan ng pagiging ang pagsuway ay malaking kasalanan.
- Nasaad dito ang paglilinaw sa pagkadagdag ng pananampalataya at pagkakulang nito sapagkat ang sinumang dumami ang pagsamba niya ay nadaragdagan ang pananampalataya niya at ang pagrerelihiyon niya at ang sinumang kumulang ang pagsamba niya ay kumulang ang pagrerelihiyon niya.
- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pag-iisip ay tumatanggap ng pagkadagdag at pagkakulang at gayon din ng pananampalataya. Ang pinapakay ng pagbanggit ng kakulangan sa mga babae ay hindi ang pagsisi sa kanila roon dahil ito ay bahagi ng ugat ng pagkalikha, subalit ang pagtawag-pansin doon ay isang pagbibigay-babala laban sa pagkahumaling sa kanila. Dahil dito, iniresulta ang pagdurusa sa nabanggit na kawalan ng utang na loob at iba pa hindi sa kakulangan. Ang kakulangan sa pagrerelihiyon ay hindi nalilimitahan sa ikinatatamo ng kasalanan, bagkus sa higit na malawak kaysa roon.
- Nasaad dito ang pakikipagrepaso ng nagpapakatuto sa nakaaalam at ng tagasunod sa sinusunod kaugnay sa sinabi niyon kapag hindi nahayag sa kanya ang kahulugan niyon.
- Nasaad dito na ang pagsaksi ng babae ay nasa kalahati ng pagsaksi ng lalaki. Iyon ay dahilan sa kakulangan ng kaeksaktuhan niya.
- Nagsabi si Ibnu Ḥajar kaugnay sa sabi niya: "Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang ..." Lumilitaw sa akin na iyon ay kabilang sa totalidad ng mga kadahilanan ng pagiging sila ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno dahil sila, kapag naging dahilan sila ng pagkaalis ng pag-iisip ng lalaking naghuhunos-dili hanggang sa makagawa ito at makapagsabi ito ng hindi nararapat, nakilahok nga sila sa kasalanan at nadagdagan nga sila rito.
- Ang pagbabawal ng pagsasagawa ng ṣalāh at pag-aayuno sa babae sa panahon ng pagreregla niya at tulad niya ang dinurugo matapos manganak, pagkatapos magsasagawa sila ng pamalit sa pag-aayuno lamang sa sandali ng pagkatigil ng pagdurugo nila.
- Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat sumagot nga siya sa mga babae sa mga tanong nila nang walang pagmamarahas at walang paninisi.
- Nagsabi si Ḥajar: Ang kawanggawa ay nagtutulak ng pagdurusa at na ito ay maaaring magtakip-sala sa mga pagkakasala na nasa pagitan ng mga nilikha.
- Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kakulangan sa pagrerelihiyon para sa mga babae ay dahilan sa pagkaiwan nila ng ṣalāh at ayuno sa panahon ng regla. Tunay na ang sinumang dumami ang pagsamba niya, nadaragdagan ang pananampalataya niya at ang pagrerelihiyon niya. Ang sinumang kumulang ang pagsamba niya, kumukulang ang pagrerelihiyon niya. Pagkatapos ang pagkulang ng pagrerelihiyon ay maaaring maging sa isang paraang nagkakasala dahil dito gaya ng sinumang nag-iwan ng ṣalāh at ayuno o iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga pagsambang kinakailangan sa kanya nang walang maidadahilan, maaaring maging sa isang paraang walang kasalanan dito gaya ng sinumang nag-iwan ng pagdalo sa ṣalāh sa Biyernes o pakikipaglaban o iba pa roon kabilang sa kinakailangan sa kanya nang walang maidadahilan, at maaaring sa isang paraang siya ay naaatangan ng tungkulin dito gaya pag-iwan ng nireregla ng ṣalāh at ayuno.