- Ang paghimok sa pamamalagi sa pangingilag magkasala at ang hindi pagkaabala sa mga panlabas na aspeto ng Mundo at gayak nito.
- Ang pag-iingat laban sa pagkatukso sa mga babae gaya ng pagtingin o pagwawalang-bahala sa pakikihalubilo nila sa mga lalaking estranghero o iba pa roon.
- Ang tukso ng mga babae ay kabilang sa pinakamabigat sa mga tukso sa Mundo.
- Ang mapangaralan at ang pagtanggap ng aral mula sa mga kalipunang lumipas sapagkat ang nangyari sa mga anak ni Israel ay maaaring mangyari sa iba pa sa kanila.
- Ang tukso ng mga babae, kapag ito ay maybahay, ay maaaring mag-atang sa lalaki ng gugulin na hindi niya makakaya sapagkat magpapaabala ito sa kanya palayo sa paghahangad ng mga nauukol sa Relihiyon at magbubuyo ito sa kanya sa pagpapakahirap sa paghahanap ng makamundong bagay. Kung ito naman ay estranghera, ang tukso nito ay sa pamamagitan ng pag-akit sa mga lalaki at pagpapakiling sa kanila palayo sa katotohanan kapag lumabas sila at nakihalubilo sila sa mga lalaki, lalo na kapag sila ay mga hindi nakabelo at mga nagtatanghal ng kagandahan. Ito ay maaaring mauwi sa pagkakasadlak sa pangangalunya sa maraming antas. Kaya nararapat sa mananampalataya ang mangunyapit kay Allāh at ang makaibig doon alang-alang sa kaligtasan mula sa tukso ng mga babae.