- Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagbabawal sa pag-alipusta sa mga patay.
- Ang pagwaksi sa pag-alipusta sa mga patay ay may dulot na pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga buhay at pangangalaga sa kaayusan ng lipunan laban sa pagmumuhian at pagsusuklaman.
- Ang kasanhian sa pagsaway laban sa pag-alipusta sa kanila ay dahil sila ay umabot na sa gawang ipinauna nila kaya hindi nakapagpapakinabang ang pag-alipusta sa kanila at dulot nito ang pamemerhuwisyo sa mga buhay na kamag-anak nila.
- Hindi nararapat sa tao na magsabi ng anumang walang kapakanang dulot.