- Ang pagiging karapat-dapat sa parusa ng sinumang nagpasya ng pagsuway sa puso niya at nagsagawa ng mga kadahilanan nito.
- Ang matinding pagbibigay-babala laban sa pag-aaway-away ng mga Muslim at ang banta roon ng pagpasok sa Impiyerno.
- Ang pag-aaway sa pagitan ng mga Muslim ayon sa karapatan ay hindi napaloloob sa banta ni Allāh, tulad ng pakikipaglaban sa mga tagapaghimagsik at mga tagagulo.
- Ang nakagawa ng malaking kasalanan ay hindi nagiging tagatangging sumampalataya dahil lamang sa pagkagawa niya nito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumawag sa dalawang nag-aawayan bilang mga Muslim.
- Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng alinmang kaparaanan na nangyayari sa pamamagitan nito ang pagpatay saka pinagpapatay ng isa sa kanilang dalawa ang iba, ang pumatay at ang pinatay ay papasok sa Impiyerno. Ang pagbanggit sa tabak sa ḥadīth ay bilang paghahalimbawa.