- Hindi napaloloob sa kategorya ng mga pakikipag-alitang napupulaan ang paghiling ng naapi ng isang karapatang ukol sa kanya sa pamamagitan ng mga legal na pagsasampa ng kaso.
- Ang pakikipagtalo at ang pakikipag-alitan ay kabilang sa mga salot ng dila na nagdadahilan ng pagkakawatak-watak at pagtatalikuran sa pagitan ng mga Muslim.
- Ang pakikipagtalo ay napapupurihan kapag ito ay naging nasa katotohanan at ang istilo nito ay maganda. Ito ay magiging napupulaan kapag ito ay naging para sa pagtutol sa katotohanan at pagpapatibay sa kabulaanan, o ito ay naging walang katwiran at walang patunay.