- Ang panunumpang mapagpalublob ay walang panakip-sala para rito dahil sa tindi ng panganib nito at pagkakrimen nito. Tanging ang mayroon dito ay ang pagbabalik-loob.
- Ang pagkakasya sa pagbanggit sa apat na malaking kasalanang ito sa ḥadīth ay dahil sa kabigatan ng kasalanan sa mga ito at hindi para sa paglilimita sa mga ito.
- Ang mga pagkakasala ay nahahati sa malalaki at maliliit. Ang malaki ay ang bawat pagkakasala na may kaparusahang pangmundo gaya ng mga takdang parusa at pagsumpa; o may bantang pangkabilang-buhay gaya ng banta ng pagpasok sa Impiyerno. Ang malalaking kasalan ay mga nibel, na ang iba sa mga ito ay higit na mabagsik kaysa sa iba sa pagbabawal samantalang ang maliliit sa mga pagkakasala ay ang iba sa malalaking kasalanan.