- Ang pinakamabigat sa mga pagkakasala ay ang pagtatambal kay Allāh dahil Siya ay gumawa rito bilang pangunahin sa malalaking kasalanan at pinakamalaki sa mga ito. Nagbibigay-diin dito ang sabi ni Allāh (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya."
- Ang bigat ng mga karapatan ng mga magulang yayamang iniugnay ang karapatan nila sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya).
- Ang mga pagkakasala ay nahahati sa malalaki at maliliit. Ang malaki ay ang bawat pagkakasala na may kaparusahang pangmundo gaya ng mga takdang parusa at pagsumpa; o may bantang pangkabilang-buhay gaya ng banta ng pagpasok sa Impiyerno. Ang malalaking kasalan ay mga nibel, na ang iba sa mga ito ay higit na mabagsik kaysa sa iba sa pagbabawal samantalang ang maliliit sa mga pagkakasala ay ang iba sa malalaking kasalanan.