/ Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}

Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}
Napagkaisahan ang katumpakan

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam kung paanong ang mananampalataya ay naninibugho, namumuhi, at nasusuklam; at na ang kadahilanan ng paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal ni Allāh dito na mga kahalayan gaya ng pangangalunya, sodomiya, pagnanakaw, pag-inom ng alak, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga kahalayan.

Hadeeth benefits

  1. Ang pag-iingat sa galit ni Allāh at kaparusahan Niya kapag nilabag ang mga pagbabawal Niya.