- Si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagpalampas at nagpaumanhin sa mga ideya at mga naiisip na sumasagi sa sarili saka nagsasanaysay ang tao ng mga ito sa sarili niya at nagdaraan ang mga ito sa isipan niya.
- Ang diborsiyo, kapag nakaisip nito ang tao at nalahad ito sa isipan niya subalit siya ay hindi nagsalita nito at hindi sumulat nito, ay hindi naituturing na isang diborsiyo.
- Ang sanaysay sa sarili ay hindi pinananagot dahil dito ang tao gaano man kabigat ito hanggat hindi ito nananatili sa sarili niya, hindi siya gumagawa nito, at hindi siya nagsasalita nito.
- Ang kadakilaan ng halaga ng Kalipunan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pagkakatangi nito sa hindi pagpapanagot dahil sa sanaysay sa sarili, na kasalungatan sa mga kalipunan bago natin.