- Ang paghimok sa pakikibaka sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng sarili, salapi, at dila. Ang bawat isa ay alinsunod sa kakayahan niya. Ang pakikibaka ay hindi nalilimitahan sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng sarili.
- Ang pag-uutos ng pakikibaka ay para sa pagkakinakailangan. Maaaring ito ay maging isang tungkuling pang-individuwal at maaari ring ito ay maging isang tungkuling pangkomunidad.
- Nagsabatas si Allāh ng pakikibaka dahil sa mga kadahilanan, na kabilang sa mga ito: 1. Ang paglaban sa Shirk at mga Mushrik dahil si Allāh ay hindi tumatanggap ng Shirk magpakailanman. 2. Ang pag-aalis ng mga balakid na humaharang sa landas ng pag-aanyaya tungo kay Allāh. 3. Ang pangangalaga sa paniniwala laban sa bawat anumang kumukontra rito. 4. Ang pagtatanggol sa mga Muslim, sa mga bayan nila, sa mga dignidad nila, at mga ari-arian nila.