- Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda at ang paghimok sa pagdarasal sa gabi nito.
- Ang mga maayos na gawa ay hindi tinatanggap malibang may kasamang katapatan ng layunin.
- Ang kabutihang-loob ni Allāh at ang awa Niya sapagkat tunay na ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya.